Tatlong lalaki ang arestado mula sa ikinasang drug buy-bust operations ng PDEA-BARMM sa bahagi ng Malagapas, Barangay RH10 sa lungsod kagabi.

Kinilala ni Agent Anthony Naive ang tatlong nahuli na sina alyas Butyok, Yeng at Dats.

Sa ulat ng ahensya, nasamsam mula sa tatlo ang 15 na gramo ng suspetsadong shabu na may kabuuang halaga na 102,000 at ilang mga drug paraphernalia.

Samantala, nabatid pa ng mga operstiba na nagsisilbing drug den ang kanilang tirahan.

Sa ngayon, kulong na ang mga suspek, buwag na din ang kanilang drugden at mahaharap pa sila sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.