COMPLETE LINE UP na ang UBJP o ang United Bangsamoro Justice Party sa darating na halalan sa susunod na taon.

Ito ay sa pagkumpirma ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa panayam sa kanya ng Star FM Cotabato.

Aniya, magandang problema ang nararanasan ng partido sapagkat kumpleto na ang linyada ng partido ngunit marami pa rin ang interesado sa pagsama sa UBJP line up.

Ayon pa kay Matabalao, desisyon na anya ang mga nakatataas sa partido ang gagawin para sa mga ito.

Nang matanong si Matabalao kung may linyada na siya para sa siyudad ng Cotabato ang UBJP at kung may Vice Mayor na ito, IN DUE TIME ang anunsyo nito.

Ayon pa sa alkalde, SOLID ang grupo ng UBJP sa Cotabato City at hindi muna sila magpapaapekto sa mga pre election fever upang makapagtrabaho pa rin sila ng maayos.