Isang 12-anyos na batang babae ang ginahasa at brutal na pinatay ng asawa ng kanyang tiyahin sa Barangay Matilo, Nabunturan, Davao de Oro kagabi, Abril 28.
Natagpuan ang biktima, na itinago sa pangalang “Angel,” na wala nang buhay at naliligo sa sarili nitong dugo sa loob ng kanyang silid.
Batay sa imbestigasyon, kinilala ang suspek na si Erwin Solis, kinakasama ng tiyahin ng biktima, na agad namang naaresto ng mga awtoridad.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya, habang inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek.