Narekober ng technical divers ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang bangkay sa ilalim ng dagat kahapon, Pebrero 18, 2026.
Dahil sa pinakabagong development, umakyat na sa 64 ang opisyal na bilang ng mga nasawi sa trahedya. Nananatiling 293 ang mga nakaligtas, habang 15 pa ang nawawala at patuloy na hinahanap sa dagat.
Ipinabatid ng PCG na ang mga datos na ito ay resulta ng pinagsamang beripikasyon ng Philippine National Police-Scene of the Crime Operatives (PNP-SOCO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM), at mga pamilyang apektado na nakikipag-ugnayan araw-araw sa interagency search and rescue authorities.
Patuloy ang operasyon ng PCG upang matukoy ang lahat ng nawawala at masiguro ang suporta sa mga pamilyang apektado ng insidente.

















