Ayon sa ulat ng Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) para sa Hunyo 2 hanggang Hunyo 8, 2025, nananatili na lamang sa dalawa (2) ang bilang ng pasyenteng may kumpirmadong COVID-19 na naka-admit sa ospital.
Sa kabuuan, umabot na sa 5,350 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 na na-admit sa ospital mula nang magsimula ang pandemya. Sa bilang na ito, 418 ang nasawi, katumbas ng 7.8%, habang 3,282 naman ang gumaling at nadischarge.
Sa kasalukuyan, walang bagong naitalang kaso. Ang dalawang natitirang pasyente ay parehong nasa moderate na kondisyon. Wala nang asymptomatic, mild, severe, o critical cases sa ngayon.
Sa kabuuan, 158,550 na ang bilang ng mga pinaghihinalaang kaso na naitala.
Pinakamarami pa rin ang naitalang kaso mula sa Cotabato City na may 3,153 pasyente, sinundan ng Maguindanao na may 2,642, at North Cotabato na may 1,109.
Ayon sa CRMC, tumatanggap sila ng mga pasyente mula sa Region XII at BARMM, kaya’t may mga kaso rin mula sa ibang lalawigan at rehiyon.
Patuloy ang paalala ng ospital sa publiko na mag-ingat at sumunod sa mga health protocol upang mapanatili ang mababang bilang ng kaso sa rehiyon.