May bago nang hepe ng pulisya ang tatlong bayan sa lalawigan ng Maguindanao del Norte. Pinangunahan ng mismong Maguindanao del Norte Police Provincial Director PCol. Joel Estaris ang naging turnover ceremonies sa mga bagong talaga na hepe ng Datu Odin Sinsuat, Sultan Kudarat at Buldon MPS na ginawa sa PHQ, Old capitol sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Papalitan ni PMaj. Radzak Musa ang outgoing chief ng Datu Odin Sinsuat MPS Chief PLTCol. Samuel Subsuban habang sa Sultan Kudarat MPS, uupo si PLTCol. Sainodin Benasing si Outgoing COP PLTCol. Esmael Madin at sa Buldon MPS naman, uupo si PLt. Annaliza Aguilar kapalit ni PLt. Marlon Dante.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si PD Estaris sa mga umupong COP ng bawat bayan sa kanilang ipinakita na dedikasyon aa kanilang serbisyo sa kani kanilang Area of Assignment habang hinikayat naman nito ang mga bagong COP sa tatlong lugar na mamuno ito ng may integridad at kalidad upang makapagbigay ang mga ito ng serbisyong pangkaligtasan at seguridad sa mga residente ng tatlong nabanggit na lugar sa probinsya.