Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental ngayong Huwebes, Hunyo 11, 2026, ganap na 9:56 ng umaga, ayon sa PHIVOLCS.

Batay sa datos, natunton ang sentro ng lindol sa layong humigit-kumulang 67 kilometro timog-kanluran ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 10 kilometro.

Kasalukuyang wala pang ulat ng pinsala o aftershocks na naitatala kaugnay ng lindol.

Patuloy na pinapaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga safety protocols sakaling makaranas pa ng mga kasunod na pagyanig.