Naaresto ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad bandang alas-11:30 ng umaga, Oktubre 15, 2025, sa Purok Pagkakaisa, Poblacion 2, Cotabato City.

Kinilala ang mga suspek na sina alias “Boy Technician” (SLI), 45-anyos, technician, residente ng nasabing lugar, at alias “JR”, 42-anyos, upholsterer, residente ng Springsite, Bagua 3, Cotabato City.

Ang operasyon ay pinangunahan ng PS3 Station Drug Enforcement Team (SDET) sa pamumuno ni PCPT Kenneth Van A. Encabo, Station Commander, katuwang ang City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), City Mobile Force Company (CMFC), 1404th RMFB 14A, at PDEA-BARMM, sa koordinasyon ng Police Station 1 at mga opisyal ng Barangay Poblacion 2.

Narekober mula sa mga suspek ang mga pakete ng hinihinalang shabu at iba pang drug paraphernalia.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga naarestong suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad.