Mariing kinundena ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC ang muntikanan nang pambobomba sa isang establisyemento na pag-aari ng kanilang kasamahan dito sa lungsod ng Cotabato.

Kung maalala, hinagisan ng granada ang Café Mindanaw na pagmamay-ari ng dating MILG Minister at ngayon ay SIAP- Cotabato City Chapter President Atty. Naguib Sinarimbo.

Sa naging pagkondena, iginiit ng BGC na sana ay ito na ang huling insidente upang makapagsagawa ng maayos at maitulak ang mapayapang halalan sa rehiyon.

Tinatawagan din ng BGC ang mga kapartido nito maging ang mga partido pulitikal sa rehiyon na maging mapagbantay sa mga karahasan na may kaugnayan sa eleksyon.

Sa huli, ayon pa sa BGC, bukas sila sa dayalogo sa lahat ng partido at maging sa mga ahensya ng gobyerno na nangangalaga sa kapayapaan na ipatupad ang mandato ng pangulo na mapayapa at maayos na halalan bagay na sya rin namang sinusunod ng BGC.