Naibahagi sa naging panayam ni Cotabato City Police Director Col. Joel Estaris ang kanyang mga obserbasyon sa lungsod sa loob ng mahigit sa isang buwan nyang panunungkulan bilang direktor ng kapulisan dito.

Ayon kay Estaris na maliban sa ibang mga kaso, napansin nito ang pagiging talamak ng iligal na droga sa lungsod kung kaya’t donle sikap ito na mas maging aktibo pa ang kapulisan upang mapuksa ang mga taong nahuhumaling sa iligal na aktibidades sa lungsod gaya ng droga, sugal at marami pang iba.

Ayon pa sa hepe, nakikipagkaisa sila sa pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Bruce Matabalao upang ipabatid at ipatupad ang mga mandato ng kapulisan sa lungsod upang magtuloy tuloy ang kapayapaan at seguridad sa siyudad.