Matagumpay na nawakasan ang alitang rido sa pagitan ng grupo nina Hon. Al-Moqtar Dalandas at Commander Benao sa pamamagitan ng isinagawang settlement meeting nitong Pebrero 11, 2026, sa punong himpilan ng 38th Infantry Battalion sa Datu Piang, Maguindanao del Sur.
Pinangunahan ni LTC Erwin E. Felongco, Commanding Officer ng 38IB, ang pagpupulong na nagbunga ng pormal na paglagda ng kasulatan bilang pagtatapos ng hidwaan.
Dumalo rin sa aktibidad sina Mayor Datu Victor T. Samama, Al-Hadj., Vice Mayor Atty. Mohammad Omar A. Samama, at Datu Piang Chief of Police PCPT Oriel A. Siangco, bilang suporta sa adbokasiya ng kapayapaan at sa programang Shine Brighter Datu Piang, na naglalayong mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad.
Ayon sa mga awtoridad, layunin ng pagkakasundo na maiwasan ang muling paglala ng tensyon at patatagin ang kaayusan sa bayan sa pamamagitan ng koordinadong pagkilos ng lokal na pamahalaan, militar, at kapulisan.

















