Isinagawa ng 38th Infantry “We Clear” Battalion, sa pamumuno ni LTC Erwin E. Felongco (Inf) PA, ang Partners for Peace activity at ang paglagda ng Pledge of Commitment noong Pebrero 24, 2026 sa Barangay Dabenayan, Mamasapano.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga lokal na lider at iba pang stakeholders mula sa Mamasapano at Shariff Saydona Mustapha, kabilang ang mga barangay chairman, munisipal councilor, at miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).
Layunin ng pagtitipon na pagtibayin ang sama-samang paninindigan sa kapayapaan at kooperasyon sa komunidad, at ipakita ang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at mga pwersang pangseguridad.

















