Nailigtas ng Philippine Coast Guard District Southeastern Mindanao ang dalawang mangingisda matapos lumubog ang kanilang motorbanca (MBCA) mula sa katubigan ng Bucana Coastal hanggang Toril, Davao City noong Pebrero 26, 2026.
Ayon sa ulat, agad na rumesponde ang Coast Guard Station Davao at CGSS Matina Aplaya sa natanggap na impormasyon tungkol sa insidente. Dalawang floating assets ang inilunsad upang simulan ang Search and Rescue (SAR) operation, na naging dahilan upang mailigtas ang dalawang mangingisda.

















