Nauwi sa madugong engkwentro ang buybust operation sa Barangay Nabundas, Malidegao, SGA-BARMM, kahapon, March 12, ayon sa ulat ng PDEA BARMM.

Katuwang ang 40th Infantry Battalion ng Philippine Army, sinalakay ng mga otoridad ang isang drug den na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na suspek na sila alyas Gapor (32), alyas Edward (34), alyas Mata (19), and Butsokoy (45). Samantala, si alyas Ola, naman na target sa operasyon ay nasawi matapos makipagpalitan ng putok sa mga pwersa ng PDEA at Army.
Ayon sa PDEA BARMM, nasamsam sa raid ang 27 sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 20 gramo, na tinatayang nagkakahalaga ng higit sa ₱100,000.
Nakumpiska rin ang isang baril, magazine, bala, rifle scope, mga cellphone, gunting, bamboo sealer, lighters, at P1,000 na cash na ginamit sa transaksyon.
Mahaharap sa kaso ang mga naarestong suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.


















