Inutusan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa Region at Cagayan ang agarang pagsisiyasat sa pagpatay sa tatlong Maranaw-Muslim sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.

Kinilala ang mga biktima bilang sina Salic Amerol, Mutalib “George” Amerol, at Janisah Macud-Amerol, na pawang residente ng Muslim community sa Tuguegarao City. Ayon sa pamilya, bumisita ang tatlo sa Lal-lo upang makipagkita sa isang kausap para sa transaksyon ng ginto na tinatayang nagkakahalaga ng ₱1.2 milyon.

Ngunit sa halip na maayos na transaksyon, dinala umano sila sa isang liblib na lugar sa bayan, kung saan naganap ang brutal na pamamaslang. Natagpuan ang kanilang mga bangkay bandang alas-una ng hapon, at iniulat din na tinangay ang malaking halaga ng pera na dala ng mga biktima.

Sa kasalukuyan, nakaburol ang kanilang mga labi sa Masjid sa Muslim Compound sa Tuguegarao City, habang patuloy ang pagdadalamhati ng kanilang pamilya at komunidad.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy at mapanagot ang mga nasa likod ng krimen. Nanawagan ang pamilya at mga kaanak ng mga biktima ng agarang hustisya.