Matagal nang sangkot sa mga iligal na aktibidades ang biktima ng pamamaril patay sa lungsod ng Cotabato nitong nakaraang linggo na si Jonas Tampla.

Ito ang kumpirmasyon sa naging panayam ng mga mamamahayag kay Station 4 Commander PCapt. Eduardo Malicdem. Aniya, bagamat patuloy pa nilang inaalam kung may record ito. Sa kanila iginiit nito na kabilang ito sa mga gumagamit o nagtutulak ng iligal na droga sa lungsod.

Dagdag pa ni Malicdem, hirap sila sa pangangalap ng mga ebidensyang matitibay tulad ng kopya ng mga CCTV footages sa lugar. Nabatid kasi sa bukod na puro kabahayan ang nakatayo sa lugar, karamihan aniya sa mga CCTV dito ay di rin gumagana. Matatandaang binaril patay si Tampla noong nakaraamg Huwebes kung saan damay ang dalawang sibilyan kung saan isa ang patay habang isa naman ang nagpapagaling sa pagamutan.

Sa ngayon, patuloy pa rin sa pangangalap ng impormasyon ang kapulisan upang matukoy kunsino at ano ang motibo ng sangkot sa nangyari na krimen.