“Wag kayong tumakbo at matakot, siya lang ang kalaban namin… ”

Ito ang sinambit ng mga suspek sa mga kamag-anak ng kanilang pinagbabaril-patay na construction worker alas sais kagabi, araw ng Hwebes sa Purok Talainged, Tamontaka 1 nitong lungsod na kinilalang si Aladin Sali Panayaman.

Taga Barangay Awang bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte ang biktima at nagtatrabaho bilang ubrador sa construction ang nabanggit na nasawi.

Ayon sa ulat, nakatayo lang ang biktima sa labas ng pamamahay ng kanyang kamag-anak ng lapitan nito ng mga suspek sabay sabi ng mga ito na wag silang matakot at tumakbo dahil si Panayaman lamang ang kalaban ng mga ito.

Pinagbabaril ito at tinamaan sa pisngi dahilan upang maging dead on arrival ito sa pagamutan ng ito ay itakbo. Agad naman na tumakas ang mga salarin gamit ang itim na toyota pick-up.

Sa pag iimbestiga ng PNP, ang nasawi na si Panayaman ay may arrest warrant para sa kinakaharap nitong kasong double murder.

Nagpapatuloy naman ang hot pursuit sa mga suspek ng PNP. Matatandaan din na noong araw ng Miyerkules ay may naitala ding pamamaril sa lungsod kung saan nasawi ang isang security guard na dating sundalo.

Photo credits to the rightful owner.