Umabot na sa 12 ang bilang ng mga nasawi matapos marekober ng mga awtoridad ang panibagong bangkay mula sa gumuhong siyam na palapag na gusaling under construction sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga.

Batay sa ulat, nangyari ang trahedya noong Mayo 24, 2026 nang bigla umanong gumuho ang gusali bago magbukang-liwayway habang may mga manggagawa pa sa lugar. Mula noon, tuloy-tuloy ang search, retrieval, at clearing operations upang mahanap ang mga naiulat na nawawala.

Ayon sa mga awtoridad, madaling araw nitong Hunyo 1 nang marekober ang ika-12 biktima matapos ang maselang retrieval operation sa ilalim ng makapal na debris at bakal. Patuloy pa rin ang operasyon ng mga responder habang may ilan pang pinaniniwalaang nawawala sa lugar.