Arestado ang limang hinihinalang sangkot sa iligal na droga matapos masamsam ng mga awtoridad ang tinatayang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P6.8 milyon sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod ng Marawi nitong Sabado, Hunyo 14.
Batay sa ulat ng pulisya, isinagawa ang operasyon bandang alas-2:35 ng hapon sa Barangay Basak Malulut sa pangunguna ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), katuwang ang iba pang yunit ng Philippine National Police at mga ahensyang nagpapatupad ng batas.
Kabilang sa mga nakumpiska sa operasyon ang isang green Qing Shan tea bag na naglalaman ng vacuum-sealed na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na tinatayang 1,000 gramo, isang transparent plastic sachet na may laman ding hinihinalang shabu, at isang kulay abong Toyota Avanza.
Nakikipag-ugnayan ang mga operatiba sa iba pang kaukulang ahensya para sa wastong pagproseso at pagsusuri sa mga nakuhang ebidensya.
Inihahanda na rin ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165 laban sa mga naarestong suspek.
Samantala, muling iginiit ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) ang kanilang kampanya laban sa paglaganap ng iligal na droga sa rehiyon.
Ayon kay Christopher M. Abecia, patunay ang matagumpay na operasyon sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga law enforcement agencies upang masugpo ang operasyon ng mga sindikato ng iligal na droga at mapanagot ang mga sangkot sa batas.
Pro

















