Nilinaw ni BFP Cotabato City Chapter President MP Atty. Naguib Sinarimbo na hindi nito tinututulan ang akreditasyon ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) bilang isang political party, taliwas sa mga lumabas na impormasyon sa publiko.

Ayon sa pahayag, sa pagdinig noong Hunyo 10, matapos ang presentasyon ng BFP at nang talakayin ang petisyon ng iba pang mga partido kabilang ang UBJP, napansin ng mga abogado ng BFP ang umano’y kakulangan sa pagsunod ng UBJP sa itinakdang mga panuntunan sa paghahain ng kanilang petisyon para sa akreditasyon.

Ipinaliwanag na naghain online ng petisyon ang UBJP noong Hunyo 13. Sa ilalim ng mga umiiral na alituntunin, kinakailangang magsumite ng pisikal na kopya ng petisyon sa loob ng dalawang araw matapos ang online filing at makapagbayad ng kaukulang docket fee sa loob ng itinakdang panahon.

Subalit, ayon sa kay Atty. Sinarimbo, lumabas sa rekord ng komisyon na nakapagbayad lamang ng docket fee ang UBJP noong Hunyo 16, isang araw matapos ang itinakdang deadline ng paghahain na Hunyo 15.

Dahil dito, sinabi ng BFP na ang naging obserbasyon at pagtutol ng kanilang mga abogado ay nakabatay lamang sa pagsunod sa mga procedural requirements at hindi sa pagnanais na hadlangan ang akreditasyon ng UBJP bilang isang political party.

Binigyang-diin ng BFP na ang isyu ay usapin ng pagsunod sa mga alituntunin sa paghahain ng petisyon at hindi isang pagkontra sa karapatan ng UBJP na ma-accredit.