Arestado na ng mga awtoridad ang mga menor de edad na suspek sa pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte, na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng lima pa nitong Lunes, Hunyo 22.
Ayon sa pulisya, agad na nasakote ang isa sa mga suspek sa loob mismo ng paaralan, habang ang isa pa ay naaresto sa isinagawang follow-up operation matapos ang insidente.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo at iba pang detalye kaugnay ng insidente.
Samantala, nanawagan ang pulisya sa publiko na manatiling kalmado at iwasang magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

















