Nagresponde ang mga sundalo ng 10th Infantry Division ng Philippine Army sa insidente ng pagkasunog ng isang Davao Metro Shuttle bus sa Km. 67, Barangay Tuboran, Mawab, Davao de Oro noong Hunyo 29.
Agad na nagpadala ng fire truck ang dibisyon upang tumulong sa Bureau of Fire Protection at iba pang responders sa pag-apula ng apoy, habang tiniyak din ang seguridad sa lugar at kaligtasan ng mga motorista at residente.
Idineklarang fire out ang insidente bandang alas-6:00 ng gabi. Ayon sa mga awtoridad, walang naitalang nasugatan sa mga pasahero ng bus, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog.
Sinabi ni Major General Alvin Luzon, Commander ng 10th Infantry Division, na patunay ang mabilis na pagtugon ng kanilang mga sundalo sa patuloy na dedikasyon ng Philippine Army sa paglilingkod sa mamamayan at pakikipagtulungan sa iba pang ahensya sa panahon ng mga emerhensiya.

















