Dinagsa ng libo-libong miyembro at tagasuporta ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP ang isinagawang Grand Proclamation Campaign sa Lamitan City Gymnasium sa Basilan ngayong Agosto 17, 2026.
Patuloy ang pagdating ng mga kandidato, lider, miyembro, at tagasuporta ng partido para sa naturang pagtitipon na bahagi ng kampanya para sa nalalapit na halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Batay sa inilabas na impormasyon, umabot na sa 8,890 ang bilang ng mga dumalo sa programa, na nagpapakita ng malawak na pakikilahok ng mga mamamayan sa lalawigan ng Basilan.
Nagtipon-tipon sa nasabing lugar ang iba’t ibang sektor upang makiisa sa proclamation campaign ng partido at ipakita ang kanilang suporta sa mga kandidatong kabilang sa UBJP.
Patuloy namang isinasagawa ang programa habang dumarami pa ang bilang ng mga dumadalo sa Lamitan City Gymnasium sa Basilan.

















