Apat na indibidwal ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation at operasyon sa pagbuwag sa isang umano’y drug den sa Purok 1 Upper Siling, Buluan, Maguindanao del Sur ngayong Martes Agosto 18, 2026.

Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng PDEA Maguindanao del Sur Provincial Office, katuwang ang iba pang PDEA at PNP units at 21st Mechanized Company ng Philippine Army.

Nakumpiska sa operasyon ang 16 na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang tinatayang timbang na walong gramo.

Umabot naman sa P54,400 ang standard value ng nakumpiskang hinihinalang shabu.

Batay sa paunang ulat, isang sachet na may tinatayang timbang na 0.05 gramo ang itinuring na object of sale, habang 15 sachet na may kabuuang tinatayang timbang na 7.5 gramo ang nakumpiska umano bilang possession.

Narekober din ang buy-bust money, mga marked bills, aluminum foil, improvised tooter, bamboo sealer, limang lighter, sling bag, wallet, pitong walang lamang plastic sachet, tatlong cellphone, PhilHealth ID at dalawang pares ng gunting.

Naaresto sina alyas Ebs, Sags, Raj at si alyas Ted, na pawang residente ng Buluan, Maguindanao del Sur.

Nahaharap ang mga naarestong indibidwal sa mga posibleng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kabilang ang mga probisyon kaugnay ng illegal sale at possession ng dangerous drugs.

Patuloy naman ang dokumentasyon at paghahanda ng mga kaukulang kaso laban sa mga naaresto.