Idinaos noong Sabado, Agosto 22, ang Bangsa Women General Assembly sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, na nilahukan ng mga kababaihang Bangsamoro.

Pinangunahan ni Moro Islamic Liberation Front Central Committee Chairman Al Haj Murad Ebrahim ang pagtitipon na nakatuon sa pagkakaisa at partisipasyon ng kababaihan sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro.

Binigyang-diin din sa programa ang mahalagang papel at sakripisyo ng mga kababaihan sa proseso ng kapayapaan at sa pagpapaunlad ng kanilang mga komunidad.

Samantala, nagpahayag ng suporta ang grupo sa United Bangsamoro Justice Party o UBJP, ang partidong pulitikal na itinatag ng MILF.

Hinimok naman ang mga kababaihan at kabataan na maging aktibo sa kanilang mga komunidad at patuloy na makilahok sa mga gawaing nakatuon sa kinabukasan ng Bangsamoro.