Personal na nakibahagi sa pangangampanya ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP sa District 3 si MILF Vice Chairman Mohagher Iqbal.

Kabilang sa mga lugar na pinuntahan ni Iqbal ang Tamontaka 1, Tamontaka 3, Tamontaka 4, Tamontaka 5 at Mother Barangay Poblacion.

Kasama rin sa aktibidad sina Engr. Aida Silongan, UBJP nominee for Women, at Atty. Mary Ann Arnado, UBJP nominee for Settler Communities.

Isinagawa ang campaign activities bilang bahagi ng paglapit ng mga kandidato ng UBJP sa mga botante at pagpapakilala ng kanilang mga programa at plataporma para sa Bangsamoro Parliamentary Elections.