Isasara pansamantala ang ilang kalsada sa Cotabato City bukas, Agosto 29, para bigyang-daan ang Barangay Day 2026 Parade.
Ayon sa City Transportation and Traffic Management Center o CTTMC, magsisimula ang pagsasara alas-6 ng umaga at magtatagal hanggang matapos ang parada sa Barangay Rosary Heights 7 Covered Court.
Kabilang sa maaapektuhang kalsada ang Gov. Gutierrez Avenue, Bishop Mongeau, Aveline Gutierrez Avenue, Oblate Drive at Rosal Street.
Sa rerouting scheme, ang mga sasakyang patungo sa Rosary Heights 8 o ND Village Area at Rosary Heights 9 ay dadaan sa Virgo Road, malapit sa Kanto Lebak Terminal.
Ang mga sasakyang mula Rosary Heights 8 na patungo sa Sinsuat Avenue ay dadaan din sa Virgo Road at lalabas sa Sinsuat Avenue sa pamamagitan ng Kanto Lebak Terminal.
Samantala, ang mga sasakyang manggagaling sa mga kalapit na lugar ng Rosary Heights 7 ay pinapayuhang dumaan sa Gonzalo Javier Street patungong Sinsuat Avenue.

















