Tiniyak ng Philippine National Police o PNP ang kahandaan nito sa pagpapanatili ng seguridad para sa unang BARMM Parliamentary Elections.
Kasama ng PNP ang Commission on Elections, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, mga lokal na pamahalaan at iba pang partner agencies sa pagbabantay sa proseso ng halalan.
Pangunahing tututukan ng mga awtoridad ang seguridad ng mga kandidato, election personnel, mga botante at mga komunidad bago, habang at pagkatapos ng halalan.
Nanawagan naman ang PNP sa publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagsusumbong sa lehitimong mga alalahanin, pagbabahagi lamang ng beripikadong impormasyon at pagsunod sa mga itinakdang election protocols.
Hinimok din ang mga botante na igalang ang magkakaibang pagpili at panatilihin ang kaayusan upang maiwasan ang anumang insidente sa panahon ng halalan.
Layunin ng koordinasyon ng mga ahensya na mapanatili ang integridad ng halalan at matiyak na malaya, ligtas, mapayapa at maayos na maisasagawa ng bawat Bangsamoro ang kanilang karapatang bumoto.

















