Maswerteng walang nasugatan, nasaktan o nasagi ang isang SUV matapos na umandar ito ng kusa at walang drayber sa loob nito sa tapat ng Land Transportation Office Kidapawan sa bahagi ng Osmeña Drive, Poblacion kaninang umaga.

Sa ulat, nabatid na posibleng nakaligtaan ng drayber na ihand brake ang sasakyan na dahilan upang umandar ito ng kusa.

Nabatid din na may transaksyon sa loob ng LTO Kidapawan ang nagmamaneho ng SUV ng mangyari ang insidente.

Huminto na lamang ang sasakyan sa pagbangga ng masapul nito ang isang handwashing facility na nasa gate ng tanggapan na dahilan upang tumigil ito sa pagragasa sa gusali.

Sa ngayon, cleared na sa nasabing sasakyan ang lugar matapos ang insidente.

Nagpaalala naman ang LTO Kidapawan na magingat sa paggamit ng sasakyan at ugaliing gumamit ng hand at foot brakes tuwing kinakailangan upang makaiwas sa disgrasya at kapahamakan.