Naitala ang magnitude 5.2 na lindol sa bahagi ng Davao Occidental dakong alas-12:42 ng madaling araw ngayong Oktubre 8, 2026.

Ayon sa ulat, natukoy ang epicenter ng lindol sa layong 91 kilometro timog-silangan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.

May lalim na 93 kilometro ang lindol.

Naitala naman ang Instrumental Intensity I sa Malita, Davao Occidental at Malungon, Sarangani.