Sugatan ng pagbabarilin ang isang construction worker sa Barangay Pigcalagan, Sultan Kudarat Maguindanao Norte kahapon. Sa ulat ng SKPNP, kinilala ang biktima na si Nash Diron y Saricor, isang construction worker na residente sa Barangay Tapayan sa bayan ng Sultan Kudarat.

Himala na nakaligtas naman ang kasamahan nito na kinilalang si alyas Khalid na residente ng Pigcalagan. Lumalabas na pauwi na umano ang dalawa sakay ng motor ang mga biktima galing sa Barangay Panatan ng bigla itong barilin ng dalawang suspek na nagtago pa umano sa masukal na lugar.

Nagtamo naman ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek at agad namang dinala ito ng pamilya sa Sanitarium Hospital habang ang backrider nito ay napakapalad na maligtas sa pamamaril.

Nakatakas naman ang mga suspek patungo sa direksyon ng Barangay Alamada. Samantala, nagsagawa naman ng hot pursuit at dragnet operations ang SKMPS para tukuyin ang pinagtataguang lungga ng mga suspek.