Naglabas ang liderato ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ng mga alituntunin o house rules para sa mga dadalo bukas sa Consultative and General Assembly bukas sa Camp Darapanan.

Sa inilabas na kalatas, inaasahan na ang lahat ng mga miyembro ay tatalima sa nasabing alituntunin para sa ikaaayos ng nasabing pagpupulong.

Matatandaan na ipinatawag ng MILF ang pagpupulong upang mapagusapan ang mga gagawin at balakin ng naturang kilusan sa darating na panahon at mga araw.

Inaasahan na dadalo ang tatlong ulo ng MILF na sina BARMM CM Ahod Ebrahim, MBHTE Minister Mohagher Iqbal at Maguindanao Norte Governor Sammy Gambar Macacua sa nasabing pagpupulong, maliban pa sa mga key persons ng MILF at UBJP.