Bigong makadalo sa General Assembly ng MILF o Moro Islamic Liberation Front ang tumatayong Chief of Staff nito na si Maguindanao Norte Governor Sammy Gambar Macacua.

Sa inilabas na statement ng kanyang executive assistant at Info Chief na si Ustadz Mubarak Tiburon Dumato, hapon na ng makarating ang gobernador mula sa pagdalo nito sa isang pagtitipon sa Maynila kasama ang iba pang Local Government Officials at pakikipagpulong naman sa JICA.

Ngunit sa kabilang banda, asahan na aniya ang pagdalo nito sa ikalawang araw ng pagpupulong kasama ang mga matatas na lider ng MILF.