Bumisita sa punong himpilan ng 6th Infantry Kampilan Division Philippine Army ang pinuno ng Independent Decommissioning Body o IDB na si Ambassador Suat Akgùn at ang opisyal nitong delegasyon kamakalawa.

Sumentro ang naging pagbisita sa patuloy na mga hakbang para sa kapayapaan at seguridad sa Mindanao.

Binigyan ng Military Honors ang nasabing mga bisita at malugod naman silang sinalubong ni Maj. Gen. Antonio Nafarette na syang kumander ng 6th ID at nf JTF Central kasama na din ang mga pangunahing opisyales ng command.