Himalang sugat lamang ang tinamo ng kinilalang si alyas “Nining” matapos na barilin ito ng motorcycle riding suspect kahapon ng umaga sa bahagi ng Don Cesar St. Poblacion 3 nitong lungsod ng Cotabato.

Sa isinagawang hot pursuit ng mga operatiba ng pulisya, narecover nito ang motor na ginamit ng suspek sa ND Avenue sa Rosary Heights 2. Inaalam na ang motibo ng pamamaril kay alyas Nining at kung sino ang nagtangkang magpatumba dito.