Inendorso na ng mga lideres ng partidong United Bangsamoro Justice Party o ng UBJP sa lungsod ng Cotabato ang tambalang Cotabato City Mayor Bruce Matabalao at katambal nitong si Vice Mayoralty Aspirant Kapitan Johair Madag kasama ang sampu nitong konsehal ng lungsod nitong sabado sa ginanap na Party Endorsement of Local Candidates for 2025 Elections sa Shariff Kabunsuan Cultural Center sa BGC nitong lungsod.

Sa naging acceptance speech matapos ang pagendorso ni Party President Alhaj Murad Ebrahim sa buong slate, sinabi ni Matabalao na buong puso syang nagpapasalamat sa liderato ng UBJP na nagbigay sa kanya ng ikalawang pagkakataon na makasama sa partido at pinasalamatan din nito ang UBJP sa pagbibigay sa kanya ng mga kagrupo na di nang-iiwan at mang-iiwan para sa kaayusan at kagalingan ng lungsod na para sa lahat.

Ang tambalang Matabalao-Madag ay binubuo ng mga konsehales na sina First City Councilor at batikang broadcaster na si Popoy Formento, Konsehal Elyboy Midtimbang, mga kapitan na sina Kap Mohammad Mangelen, Kap Joven Pangilan at Kap Jonas Mohammad at ang mga dating konsehales na sina Atty. Anwar Malang at Michael Datumanong at maging sina Faidz Edzla, Datu Raiz Sema at Bai Shalimar Candao. Ang kakatawan naman para sa lungsod ng Cotabato sa Kongreso ay si former Congresswoman Bai Sandra Sema.