Todo bantay pa rin ang Marine Battalion Team 5 katuwang pa rin ang kapulisan sa ilang mga lugar sa rehiyon na nagsasagawa pa rin ng filing of COCs.

Kabilang sa mga minomonitor ng magkatuwang na Marines at PNP ay ang Cotabato City, Datu Blah Sinsuat at maging mga coastal barangays ng bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte.

Naglipana na parang kabute ang mga armadong tauhan ng Marines at PNP maging ang mga tangke de giera nito upang matiyak na ligtas at mapayapa ang gagawing COC filing sa mga nabanggit na lugar.