Nahuli ng magkatuwang na pwersa ng Maimbung Municipal Police at ng PDEA Sulu ang dalawang durugista sa isinagawa nitong buy-bust operations sa Barangay Bualo Lipid, Maimbung sa lalawigan ng Sulu, umaga ng Oktubre 2.

Ang dalawa na di kinilalang suspek na pawang na mga residente ng Maimbung at may mga idad na 27 at 32 na anyos ay nahulihan ng 12 na pirasong sachet ng Shabu na may bigat na 15 gramo at nagkakahalaga ng P102,000.00 at 1 na medium sized heat-sealed sachet ng shabu na may bigat na 0.3 na gramo at nagkakahalaga ng P2,040.00, ang bust money na may halagang P500.00 pesos at mga iba pang parapernalya bukod pa sa P470.00 na nakuha dito na sariling pera ng mga suspek.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek at nasa kustodiya na sila ng Maimbung PNP para sa tamang pagpapanagot sa batas.