Isinapubliko na ng partidong United Bangsamoro Justice Party ang kanilang mga pambato sa walong bagong tatag na mga bayan sa ilalim ng Special Geographic Area (SGA) ng rehiyon.

Ang nasabing pagendorso sa mga kandidato ay isinagawa ng partido sa bayan ng Pahamuddin.

Kumpletong lineup ang ibinida ng partido mula sa mga bayan ng Pahamudin, Nabalawag, Old Kaabakan, Tugunan, Kapalawan, Kadayangan, Malidegao at Ligawasan.

Sa mensaheng ipinarating sa mga ito, binigyang diin ng pangulo ng partido na si Chief Minister Al Haj Murad Ebrahim ang kahalagahan ng mga struggles at pinagdaanan ng MILF bilang isang rebulusyunaryong kilusan na nakipaglaban upang makuha ang ngayon ay bunga at tinatamasa ng mga Bangsamoro.