Nagpasalamat sa mga tagasuporta at sympathizers si UBJP Cotabato City Standard Bearer Mayor Bruce Matabalao matapos ang matagumpay nitong paghahain ng kandidatura sa SKCC kahapon kasama ang buong linyada ng UBJP sa lungsod.

Ngunit nakiusap si Matabalao sa mga ito na wag nang pumatol sa mga bashers at tagaurot na nagkalat sa social media upang di maging magulo at puno ng problema ang eleksyon at alam naman ng lahat ang tunay at totoo sa loob at labas ng partido.

Ayon kay Matabalao, ifocus na lamang ng mga ito sa kung paano nila maikakampanya ang grupo sa kani kanilang baryo, kakilala at iba pa.