Pormal na nakapaghain ng kani-kanilang kandidatura amg buong linya ng partidong United Bangsamoro Justice Party o UBJP sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Pinangunahan ni Mayoralty Aspirant Abdulmain Baba Abas at ng katambal nitong si Vice Mayoralty Aspirant Datu Bobsteel Datu Pop Sinsuat at ng konseho nito ang pagfifile.

Hahamunin ng grupo ang liderato ni Incumbent Mayor Datu Lester Sinsuat. Ayon kay Abas, tututok ang kanilang grupo sa kapayapaan at kaayusan ng DOS at sisikaping mapaunlad ang bayan at iba pang mga programa para sa komunidad ng bayan.

Humigit kumulang dalawampung libo na katao ang sumama sa naturang pagfifile ng COC ng grupo kahapon ng umaga, tanda ng kanilang pagpapakita ng suporta sa partido at grupo nito sa nasabing bayan.