Opisyal nang inendorso ng partidong UBJP o United Bangsamoro Justice Party ang kanilang mga manok sa Maguindanao del Norte.
Ito ay sa pangunguna ni Governatorial Aspirant at Mayor Datu Tucao Mastura.
Zona libre naman na maituturing o open fight ang labanan sa pagitan nina Dating One Maguindanao VGov Bai Ainee Sinsuat at Datu Blah Sinsuat Mayor Marshall Sinsuat habang zona libre o open fight din ang labanan nina incumbent Representative Bai Dimple Sinsuat at ni Dating Congresswoman Bai Sandra Sema para sa pagkakongresista ng probinsya at ng siyudad ng Cotabato.
Inendorso naman ng partido sa pagkagobernador ng Maguindanao Del Sur si dating Talayan Mayor Datu Ali Midtimbang habang bise gobernador naman si Uztadz Nando.
Sinaksihan din ang naturang pagtitipon nina SAP Anton Lagdameo at PFP President Gov. Jun Tamayo at present din sina UBJP President at CM Alhaj Murad Ebrahim at Secretary General Gob Sam Gambar Macacua.