Naiturn over na sa mga imbestigador ng kapulisan ang CCTV footage na nakahagip sa pamamaril patay sa isang 62 year old na senior citizen sa Poblacion 5 na kinilalang si Charlie Caling Jr.

Naging ganap ang turn-over sa City Police sa tulong ni Chairwoman Pahima Pusaka.

Ang mga naturang footage ay maaring makatulong sa pagkakalutas ng walang saysay na pagpatay kay Caling.

Matatandaang kamakalawa ay nananahimik lamang na nakaupo ang biktima sa harapan ng kanilang bahay ng ito ay barilin na kinalaunan ay nasawi din.