Patay ang pito katao sa sagupaan ng mga nagbabangayang grupo sa Barangay Tuca Maror, Bongo Island, Parang Maguindanao del Norte.
Ang sagupaan diumano ay sa pagitan ng grupo ni Tamano Aragasi at ng mga grupo ng Talipandas o Rogue MILF sa ilalim nina Commander Macmod at Paradise.
Nagumpisa diumano ang tensyon sa pagitan ng dalawang grupo nito lamang Huwebes ng umaga, October 17.
Sa isinagawa namang hot pursuit operations ng marines at pulisya, tatlo na kalalakihan ang narekober na nasawi o killed in action at ngayon ay nasa isang punerarya na habang apat naman ang napatay at umano ay nalubog sa tubig dagat kabilang na ang isang M14 rifle.
Maliban pa rito ilang high powered arms din ang narekober ng otoridad sa lugar.
Samantala, dalawang motorized banca naman umano ang sinakyan ng mga armado na nakatakas patungo sa direksyon ng bayan ng Matanog sa Maguindanao del Norte at Malabang sa Lanao del Sur.
Nakafull alert naman ang kapulisan maging ang Philippine Marines upang tiyakin ang kaligtasan ng mga sibilyan at matigil nang tuluyan ang tensyon sa lugar.