Nagresulta sa pagsuko ng dating rebelde ang isinagawang Internal Security Operation ng kapulisan sa bayan ng Senator Ninoy Aquino sa Sultan Kudarat.

Kinilala ng PNP ang sumuko na si alyas Liang, taga Barangay Alegria sa bayan ng Alabel Sarangani at dating kumander ng Platoon Sargu, Far South Mindanao Region ng NPA.

Sumuko ito sa joint team bg 1202nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 12, Sen Ninoy Aquino PNP at 2nd PMFC ng Sultan Kudarat PNP.

Aktibo si alyas Liang sa mga lugar ng South Cotabato, Sultan Kudarat, Saranggani maging sa Davao Occidental. Dala rin nito sa kanyang pagsuko sa kapulisan ang nga subersibong dokumento ng grupo.

Ang sumuko ay isinasailalim na ng PNP sa debriefing procedure upang maihanda sa tuloy-tuloy na pagbabagong buhay at maisali ito sa mga programa ng gobyernong nasyonal sa mga sumukong rebelde.