Kulong sa bilangguan ang isang driver ng payong-payong matapos na mahuli ito sa isang drug buy-bust operation ng kapulisan sa Anacleto Badoy Street, Poblacion 3 sa lungsod ng Cotabato.

Kinilala ng presinto quatro ang suspek na si Hassan Abdulnasser, 27 at residente ng MB Poblacion. Kumpiskado sa suspek ang isang sachet ng shabu at nabawi ang boodle money na ginamit sa kanya ng nagpanggap na buyer at ng rekisahin, may tatlong sachet pa ng katulad na epektos ang nakuha sa suspek.

Aminado ang suspek na gumamit ito ng iligal na droga bago pa man siya nasakote ng kapulisan. Kaugnay nito, pananagutan niya ang naging paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nakakulong sya ngayon sa selda ng presinto quatro.