Nakiisa ang opisina ni BTA Member of Parliament Atty. Suharto Ambolodto, MNSA sa Breast Cancer Awareness Forum na ginanap sa Grand Pagana Hall sa lungsod ng Cotabato noong nakaraang Miyerkules, Oktubre 23.

Ang naturang forum ay inorganisa ng BTA- Gender and Development Focal Point System.

Ang aktibidad ng BTA-GDFPS ay parte lamang ng mga inisyatibo ng BTA upang magkaroon ng kaalaman at labanan ang nakamamatay na cancer sa suso.

Ang BTA-GDFPS din ay pinaplano na magkaroon ng libreng breast cancer screening para sa empleyado ng BTA at ng kanilang mga pamilya.