Aabot sa 53 na milyong halaga ng mga proyekto ng tanggapan ni BARMM Member of Parliament Romeo K. Sema ang pinasinayaan habang ang iba naman ay inilunsad na kamakalawa sa Barangay Poblacion 8, Cotabato City.
Ang Poblacion 8 sa lungsod na kilala sa pangalang “Kakar” ay naging sentro ng madugong labanan ng guerilya ng MNLF at ng mga tropa ng pamahalaan mula 1973 hanggang 1975 kung saan hindi bababa sa tatlong raan na mga sundalo at kasapi ng MNLF ang nasawi maliban pa sa nasugatan.
Makulay ang naging pagpapasinaya na dinaluhan ng mga representante at ng mga opisyal mula sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, mga kinatawan ng BARMM Government at si Von Al-Haq na isa ding mataas na opisyal ng MNLF.