Mahaharap sa kaso ang isang 55 anyos na biyuda na nakumpiskahan ng 50 grams na shabu sa ikinasang Joint Operations ng Scout Ranger at PDEA BARMM sa Wao Lanao del Sur.
Kinilala ni PDEA BARMM IO Jo Mary ang suspek na si Nora Macalaba alyas Nuro na residente sa nabanggit na lugar.
Ayon kay IO Mary, kabilang sa target list ng ahensya ang suspek na dati nang nahuli at nakulong ngunit ng makalaya ay nagpasaway pa rin.
Nakakulong na sa PDEA BARMM Facility ang suspek at haharap sa kaso na paglabag sa Section 5 ng artikulo 2 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.