Nang dahil sa pagtatalo at away pamilya, patay on the spot ang magpinsan habang sugatan naman ang dalawa pa nitong pinsan sa Poblacion, Balabagan sa Lanao del Sur.

Sa ulat ng PNP, kinilala ang mga nasawi na sina alyas Mandy at Nor habang kinilala naman ang mga sugatan na sina Abdul at Nash. Lumalabas sa mga paunang tala na dahil lamang sa batuhan ng mga maaanghang na salita sa socmed ang dahilan kung kayat lumala ang dapat sana ay napagaayos na away pamilya.

Ayon sa pulisya, natugis na nila ang isa sa mga suspek at pasimuno sa gulo na kapwa rin pinsan ng mga biktima habang hinahanap pa ang isang kasabwat nito.

Tila ginantihan naman ng ilang kaanak ng mga nasawing biktima ang mga suspek dahil sinunog naman nito ang mga sasakyan maging ang bahay ng mga ito. Patuloy pa na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa naturang iskandalo ng pamilya.